Thursday, November 4, 2010

Tata It's Your Birthday!!




Ta birthday mo na. Parang kailan lang na tumatakas tayo para mgparty sa skul. Ibubuko tayo ni Marlon at babalikan naten pagkapasok kinabukasan. (lol) Tumatakas tayo para mag inom kasama ng ibang barkada na higher batch. Nagsasaya sa mga simpleng kalokohan at kamalditahan. Ang pag-iinom natin sa likuran ng klase at pagpapanggap na parang wala lang at normal uminom ng gin bulag na parang sprite lang. Ang pagsasama nating manlait ng iba. 

Natapos ang high school life, tayo'y nagkahiwalay, ganunpaman ang samahan di nabawasan. Nanatiiling bukas at masaya. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan, dumami, nobyo at segways:p  Nasaksihan ang pgmamahal mo ng lubos. Ang pinakamasasayang araw sa buhay mo at ang pinakamalungkot na pinagdaanan. Sa kabila ng lahat nanatili kang matatag. Lalo na ngayon para sa bilugan at dambuhalang si Alexia(lol). Sa kabila ng mga naging luha di mababasa sa bonggang bongga mong halakhak ang hapdi na iyong napagdaanan. Nawa'y manatili kang matatag, masayahin at mapagmahal. Nawa'y lahat ng iyong dinarasal ay matupad. Maligayang Kaarawan. 

Ampf! ang hirap ng bonggahang tagalog hahaha.. Happy Birthday Tata! Good health for you, Alex and the rest of your famz. More birthdays, money and love..... from friends and families..:p 

Shot! Shot! Shot!

2 ♥ warming appeal(s):

f e R r y j H o i said...

i love the post kha!! nyahaha!!
ang cute ng bongang bongang tagalog mo!! nyahaha

>> happy birth day jean, ako am about to post palang!!
nauna greetings ko sa FB eh

jean said...

tnx kha! muntik na kong maiyak hbang binabasa to grabe huh... hehehe! tnx huh, khit ito ung pinaka malungkot na birthday ko kc wala na c Joey sa tabi ko but i have my Alexia na with me so ito na rin ung pinaka masaya kc first time kong magbirthday with my baby... tnx ulit!

Add

Romwe - The Latest Street Fashion
 

Kharen's Corner