Search This Blog

Blog Archive

Thursday, May 11, 2017

PTP : Coping

0

This time tagalog muna. Yung PTP sa fb permission to post. Paalam ako sa sarili kong blog. lol. Madalas na kasi kahit aware akong may grammar issues ako english talaga post ko dito. Una praktis, pangalawa para hindi masyado harsh at intense , pangatlo dahil sa blogging ops required. Regardless tumbling grammar mo basta english pumapatok naman at nababayaran. Anyway gusto ko lang mgpost ng tagalog. Ganado.. Na ooverwhelmed kasi ko sa mga bagay. Ang taas na ng upuan ko. πŸ˜‚πŸ˜œYung isang friend ko ngsabi bilib daw sya sa pagiging positibo ko(drugs ba to lol) at matibay sa buhay. Oh well una maganda yung training ground ko ung buhay namen na mapapa #struggleisreal ka talaga at impluwensya ng nanay ko. Yung pagiging optimistic partly nun nahawa na lang ako sa asawa ko. Tapos yung isang chics na malapit sa puso ko #excousin sabi ang mature daw ng way of thinking ko. Na flatter ako oo pero minsan kasi literal na mind over matter. Tapos nitong huli tinanong ako ano daw ba pinagbabasa ko bakit parang ang light light at easy ng buhay ko. Sa totoo lang napakahina ko kaya, iyakin, maramdamin,negatron at madaling sumuko . Walang maniniwala pero totoo yun. Kaya minsan sa blog ko na lang dinadaan. Sulat, buntong hininga at dasal. At higit sa lahat lagi ko iniisip yung meron ako. Kumbaga gratefulness ang pairalin para happy life. Wala lang #mema langπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


0 ♥ warming appeal(s):